Ano ang Call Center at ang Business Process Outsourcing?

Ang call center ay maaring isang kumpanya na nag bibigay ng customer service. Karamihan ng call centers dito sa Pilipinas ay napapaloob sa Business Process Outsourcing.

Isang magandang halimbawa ay ang technical support ng iyong internet o cable. Kapag ikaw ay nakararanas ng problema tatawag ka sa customer service o technical support ng iyong provider.

Sa iyong pag tawag mararamdaman mong ang kausap mo ay isang tao na direktang tatrabaho para sa internet service o cable service provider mo. Ang totoo, 99% ng pagkakataon ang tinatawagan mo ay isang third party na kumpanya o call center na kinontrata ng internet service or cable provider mo para sumagot ng tawag ng kanilang customers. Outsourcing ang tawag sa prosesong ito.

Bigyan nating mas magandang analogy para mas madaling maintindihan ang Business Process Outsourcing.

Halimbawa binigyan ka ng assignment ng teacher mo or ng boss mo.

Ang assignment na ibingay sayo ay may 10 pages.

Ang unang 5 pages ay research at ang ika-6 hangang sa pang 10 na page ay tungkol sa arts at kailangan ng art material.

May problema, wala kang computer para sa research at wala kang art material at maliit lang ang budget mo.

Tanong:

Bibili ka ba ng art material para sa assignment na alam mong isang beses mo lang magagamit? O mag hahanap ka nlng ng mahihiraman?

Bibili ka ba ng computer para sa research mo? O mag rerent ka nlng sa computer shop?

Kung hindi ka bibili ng sari mong resources ikaw ay mag o-outsource. Kukuha ka ng mga taong sa tingin mo ay may resources at kaya kang tulungan. Alam mong mas makaka tipid ka rin.

Same principle applied sa Business Process Outsourcing.

Kung may mga suggestions ka o katanungan i-comment mo lang sa baba.

Next topic:

Paano mag apply sa call center ?

Leave a Comment